Paggising ko kaninang hapon, napansin ko na iba na yung kulay ng google ads ko, from black to blue. Nagulat ako kaya chineck ko yung Publisher ID… bweset..ibang account na pala yung ads sa blog ko. Chineck ko yung mga famous blogs at kinompara ko ang publisher ID. hanggang sa na check ko ang blog ni Jehzeel Laurente… Nakita ko na pareho kami ng Publisher ID. Pero hindi ko s’ya pinagdududahan kasi may tiwala ako sa kanya. hehe. Alam n’ya lahat ng accounts at passwords ko. S’ya kasi pinapacheck ko.

Tinext ko si Master Jehzeel na pareho kami ng publisher ID. nagulat rin s’ya. Pareho kaming dalawa na HACKED. Pinalitan agad namin ng Original ads namin. Pero pagcheck ko kani-kanina lang, ibang Publisher ID naman yung ads sa blog ko at bumalik ang hacker’s ads sa blog ni master jehzeel. Hindi namin alam kung panu kami na hack. Baka may nagkeylog sa aming dalawa. Pero safe to ang laptop ko…sabi rin ni Master Jehzeel na safe rin yung laptop nya. Kaya iniimbistagahan ko pa kung anung hacking technuiqe ang ginawa ng hacker na ito.

Eto yung Publisher ID ng Hacker: pub-4017290461066204… bukas ko nalang e-post yung isang Publisher ID.

Mag-ingat rin kayo at check n’yo palagi ads n’yo. Baka nahack na rin kayo. hehe

Kung na hack rin kayo sa katulad na Publisher ID, comment agad rito… hehe

“Kung sino kamang hacker ka, please wag mo na uulitin. Di ako nagagalit sa’yo. Bilib nga ako sayo eh kasi kahit pinalitan ko na mga passwords ko sa ibang PC, napasok mo pa rin accounts ko. Kaya  Please lang. Magtulongan tayo na lumaki yung earnings natin sa legal na paraan.”

No related posts.