Kahapon, inutusan ako ng papa ko na pumunta sa BDO para magdeposit. Habang nagda-drive ako ng motor, tinawag ako ng klasmate ko noon na enforcer na ngayon. Akala ko nga babatiin nya ako ng Happy Independence Day, yun pala huhulihin nya ako kasi walang FLAG yung motor ko. Pinagalitan nya ako sa harap ng maraming tao. Di ko kasi alam dahil sa pagkakaalam ko, pinostpone ni Gloria ang Independence Day nong Lunes. Yun, muntik ko na syang mapatay. hehe. Umalis kaagad ako at hindi ako nagpahuli. haha. Kala n’ya…

No related posts.